Events:
 
   
Archive »  

 

Article:

'Ang Pagong at Ang Matsing' ng Gantimpala Theater maglalakbay

     Inihahandog ng Gantimpala Theater, kasabay ng kanilang ika-30 taong anibersaryo ang pinakagustong kwento ni Jose Rizal na "Ang Pagong at Ang Matsing", na kinuwento ng kanyang inang si Doña Teodora Alonzo noong siya ay musmos pa.

     Ngayon, ang "Ang Pagong at Ang Matsing" ay muling bubuhayin ang nakakabighani, nakakaengganyo at nakatutuwang musical extravaganza para sa mga bata o sa mga kabataan.

     Ang magtatanghal sa palabas na ito ay sina Michael King Urieta (Pagong) at Francis Ong (Matsing). Ang ibang cast ay sina Meldea Flor Formacil (Suso); Anthony Cruz (Tarsier); Leo Ponseca (Punong Manga); Ronald Concepcion (Punong Acacia); John Paolo Garcia (Punong Bakawan); Rene Nisperos at Rommel Aratan (Kaputol ng Saging).

     Ipalalabas ito sa Setyembre 19-21 (Bren Guiao Gym, Pampanga) at Oktubre12 (Tarlac State University sa Tarlac City. Sa Maynila, ipalalabas sa Oktubre 24-26 (Emilio Aguinaldo Auditoriem, UN Manila) at Disyembre 2 (Concert at the Park Open Air Auditorium).

     Para sa iba pang detalye tumawa sa Gantimpala Theater 899-5745 at 896-3503; provincial tours tumawag sa Gantimpala Production Office, 5280603/536-5860 o mag-email sa gantimpalaproduction@yahoo.com.ph

 


Gantimpala Theater

Tel No:
528-0603 / 536-5860,

Mobile:
0921-528-6308

Email:
gantimpalaproduction
@yahoo.com.ph