News:

Band members pinagtripan 4 sugatan
(Rommel Fuertes)


Apat na miyembro ng isang banda ang sugatan matapos mabaril at masaksak ng isang grupo ng mga kalalakihan sa Marikina City kahapon.

Hinala ng mga pulis, napagtripan ang mga biktima matapos sa kanilang show sa isang bar sa Gil Fernando Ave. sa Bgy. San Roque ng nabanggit na siyudad.

Ayon sa imbestigasyon, ala-una ng madaling-araw nang kuyugin ng limang kalalakihan ang mga miyembro ng banda habang naghihintay ng masasak­yan matapos tumugtog sa Headstock Bar na malapit sa Sta. Lucia Mall.

Nabatid na nagkaroon ng komosyon at kasunod ay isang putok ng baril ang narinig bago nagpulasan ang mga suspek na lasing at sabog umano sa droga.

Dito na natuklasan na nabaril ang 18-anyos na si Dennis Litao ng Makati samantalang ang mga kasamahang sina Jester Sison, Mikey Tabior at Christopher Tanaga ng Imus, Cavite ay nasaksak at nasugatan din sa nabanggit na pangyayari. 

 


blog comments powered by Disqus

  Top
 

Source:

Abante Tonite

 

 

Content on this page requires a newer version of Adobe Flash Player.

Get Adobe Flash player

Content on this page requires a newer version of Adobe Flash Player.

Get Adobe Flash player