Event:

Artists Revolution presents
365 Days to Change...TODO na 'TO!!!

Suportahan ang tawag ng mga Artistang Pilipino para sa pagbabago ng mga namumuno sa darating na eleksyon sa May 2010.  

Walang magsasalitang pulitiko pero paguusapan ay politikal. Hahamon ng pagbabago at tataya sa PAGBABAGO! 

Tataya ang mga mangaawit na sina Jim Paredes, Leah Navarro, Joey Ayala, Bituin Escalante, Yeng Constantino, Isay Alvarez, Robert Sena, Julie-Ann San Jose at Cruz-Salonga Duet. Ganundin ang mga bandang Radioactive Sago, Datu's Tribe, Kjwan, at Tempestuous Jones. Ang Philippine All Stars hiphop champions, sax player na si  Michael Young, drummer na si Paul Zialcita at rapper na si Miko Pepito ay di rin paawat! 

At syempre di mawawala si  Juana Change! Marami kaming pasasabuging mga balita!  

Para sa mga tiket na nagkakahalaga ng P500, P1k, P2k, P3k, P4.5k, at P6k tawagan sina Chingkel, Aissa, at Menard sa 8982913, 8983221 o 8997691 loc 2222-24 

Ito ang konsyertong pupukaw sa inyong puso,magpapatindig ng inyong balahibo at magpapaikot ng inyong bituka! 

Kapartner ang Movement for Good Governance (MGG,) tangkilikin sana nyo ang concert na ito para sa ikatataguyod ng malinis at mapayapang halalan! 

TODO NA 'TO!!!

  Top
 

 

Event Date:
May 11, 2009
Monday, 8:00 PM


Venue:

 


Content on this page requires a newer version of Adobe Flash Player.

Get Adobe Flash player