Music Artist:

« BACK
Up dharma Down

 

Bipolar (2008)

 

  1. ---

Lyrics:

SANA

Words by A. Millare

Nilibot na ang buong mundo
Di pa rin ako nakukuntento
Makakahanap ng ipapalit
Nang walang babala
Lumipas ay nagbabalik pala

Nalilito na ako hindi na dapat gan'to
Nakraan ay natapos at napagdaanan na
Bakit na sisindak pa sa t'wing na aalala
Matatauhan na wala ka na pala

Ako sila'y nandito na
Ikaw na lang ang kulang
Anong lunod o lalim ba't 'di na lang lumutang
Anong pait ang matamis at aking susubukan/
Anong tamis ang mapait at di iniiwasan
Anong silbi ng narito/Walang silbi ang narito
'Di mo na kailangan

Hindi nga nagtagal ang pagpapanggap na 'to
Kaliwa at kanan harap at likod ano mang anggulong
Titigan ay bumibigay ako

Damdamin ay kay bigat
Naisip na ang lahat
Wala na ba talaga akong magagawa pa

Wala na bang makakapantay at di na dapat pang maghintay
Ako lang ba ang nagkasala?
Kumakapit sa natitirang sahaana.

Kung babalik ka pa hanggang kailan kaya?
Ako dito mag aabang na magdutong na ang patlang
Ang kulang ay mapupunan wala nang makahahadlang
Wala na yatang hihigit sa pangungulila ko
Iba na bang nagbibigay ng mga kailangan mo?

(los' lead here)

Oh sana
Kay higpit ng kapit sa unan kagabi ko
Oh sana
Inaasam muling makatabi at mahalik sana

 

 

  Top
 

Profile
Mambers
Schedule
Awards
Contact
Article

Website:
updharmadown.com

[ MySpace ]

[YahooGroup]


BIPOLAR Album Launch

October 24, 2008
Hexagon Lounge

 


Content on this page requires a newer version of Adobe Flash Player.

Get Adobe Flash player