Contests:

Event:

 
   
Archive »  

Event:

Sumulat, Umawit
May 24, 2008

    Para sa buwan ng Mayo, inihahandog LIRA ang panayam na "Sumulat, Umawit."

    Si Heber Bartolome ng Banyuhay ang pangunahing tagapagsalita. Gaganapin ang panayam sa ika-24 ng Mayo, Sabado, 9:00 ng umaga sa studio-gallery ni G. Bartolome sa # 170 Banlat Road, Tandang Sora, Quezon City.

    Ang mga awit ni Heber Bartolome ay ginagamit sa mga doctoral thesis ng mga iskolar sa
iba't ibang pamantasan.

    Lumaki si Heber sa iba't ibang bahagi ng Katagalugan kung saan man madestino ang kanyang ama. Ang unang dalawang taon ng high school ay sa Philippine Wesleyan University sa Cabanatuan. Natigil siya nang dalawang taon, ngunit sa halip na umistambay, nagtinda siya ng kendi, sigarilyo, gulaman, diyaryo, komiks, at iba pa upang suportahan ang magulang sa pagpapaaral ng nakatatandang kapatid. Tinapos niya ang high school sa
Novaliches.

    Sa sariling pagsisikap, nakatapos siya ng Bachelor of Fine Arts at M.A. Philippine Literature
sa U.P. at naging guro ng panitikan sa De La Salle University (1981-1984).

    Patuloy si Heber sa adhikang mapaunlad ang kulturang maka-Filipino lalo na sa paglikha ng mga awit. Ayon sa kanya, "ang awit ang pinakamabisang tulay tungo sa kaisipan at puso ng tao lalo na ng kabataan. Ito ang tulay na dapat pagtawiran ng mga proyektong pangkabataan tungo sa kaunlaran ng isang lipunan."

    Ang "Sumulat, Umawit" ay bahagi ng buwanang serye ng mga panayam ng LIRA sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng panulaang Filipino. Ang Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) ay isang organisasyon ng mga makatang nagsusulat sa wikang
Filipino.

    Libre at bukas ito sa publiko. Kung nais dumalo, makipag-ugnayan kay En Villasis sa
0922-4596365. Maaari ring pumunta sa www.liraonline.org.


  Top
 


Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo
(LIRA)

www.liraonline.org